Powered By Blogger

Sunday, August 1, 2010

“TADHANA” ni: Yeng deguzman (2009)

Sa aking unang pagkakakilala,
kaligayahan ng puso sayo ay di ko nadama,
pintig nitong puso ay kayhina,
Kauhawan nito wari nananatili pa.


Akin na lamang napupuna,
madalas na pagkakataong hindi ko inaasahan,
pagtatagpo ng dalawang pusong di magkakilanlan.
Minsan pa nga mga mata natin
ay pilit na nagiiwasan,
biglang napatanung,
tadhana ikaw nga ba ang may kagagawan?


Pangyayaring sadyang kayhirap paniwalaan,
mga panaginip at minimithi na nais makamtan,
isang posible maari palang mamukod tangi,
sa isang kaganapang alam mong imposible.


Mga alaalang sa isipan ay nanahan,
pilitin mang balewalahin at kalimutan,
pagkat hatid mo sa akin
ay isang masalimuot na nakaraan,
ngunit giliw, tulad mo ba’y bisyo na di ko matalikuran?


Pagsinta ko mang ito ay di mo mapagtanto,
asahang pag-ibig ay mananalaytay,
habang mayroon akong hininga’t buhay,
tawaging manhid man ang pagkatao,
naniniwala akong tadhana dahil sayo, pag-ibig ko sa kanya ay nabuo.
.

No comments:

Post a Comment