Powered By Blogger

Sunday, August 8, 2010

SOPRING, The Ironman!

Warning: PAG HINDI MO ITO BINASA NG BUO, YOU WILL MISS TO MEET THE NEW SUPERHERO EXISTED WITH THIS BLOG.

Napagtanto ko bigla sa sarili ko, wow mahigit labing walong taon na pala ang pamamalagi ko dito sa mundo. Marami na pala akong nakain at kakainin pang bigas. Naranasan kong makatungtong sa kolehiyo nang hindi ko inaasahan at dahil na rin sa kalooban ng Diyos heto ako at isang taon na lang(by faith) maiaalay ko na rin sa wakas kay Ironman ang isang papel na nagsasaad ng katagumpayan at kagalakan--Diploma!

Hindi ko lubos maisip at maitatwa ang mga sakripisyo at proteksyong naipamahagi niya sa buhay ko sa simula't sapul. Sa katunayan nga, sa pisikal kong pangangatawan daig ko pa yata ang isang malamang baboy. Totoo,, hindi ako nagbibiro. Bansag nga sa akin ng nanay ko ay "mekong" (isang pangalan ng bakeshop) tuwing nahahawakan nila ang aking mga matitigas na braso. Parang punong-puno raw kasi ng tinapay na mekong..haay! Ngunit patunay lamang na isa akong malusog na dalagita dahil sa ako'y isang alagang Ironman..

Sa pamamagitan ng kaalaman at kakayahan niya para bigyang solusyon ang hinaing ng kanyang mga kababayan sa kanilang mga sirang sasakyan at elektrikal na kagamitan gamit ang iba't-ibang klaseng gadyet gaya ng screw,welding machine, electrical tape..at iba pa ay naisasaayos niya ang mga ito. At sa bawat naisasaayoskatumbas naman nito ay ang makakain ako tatlong beses sa isang araw at higit sa lahat makapag "preliminary, midterm, semi at final exam ako..

Aangkinin ko talaga ang pagkakataong ito para ipahayag sa mga mambabasa at fanatics ng blogsite kong ito na si SOPRING, the Ironman na tinutukoy ko ay ang Hardworking kong tatay. Si Alfonso "SOPRING" De Guzman. Ayan Ironman di ka lang mekaniko ngayon, pang blogsite na rin ang pangalan mo. Sikat ka na tay.!!! Ayos ba!

Ipinagmamalaki kita tay;;;;;
Maraming salamat sayo at ang maranasan ko ang buhay kolehiyo ay hindi naging imposible kaya't gusto kong ipagsigawan na mapalad ako ikaw ang naging TATAY KO!

I LOVE YOU TAY!

5 comments:

  1. hehehe ang galing naman yeng:) azteggggggggggggggggg naman ni mang Sopring:)

    ReplyDelete
  2. tenk you! inspired kay tatay eh...God bless''

    ReplyDelete
  3. I was touched T_T
    *bow to Tay Sopring!*

    ReplyDelete
  4. hehehe good for you yeng bless ka nga talaga heheh

    ReplyDelete