Powered By Blogger

Monday, August 9, 2010

"NBSB AKO"


Nahiya naman ako sayo bigla..
Siguro iniisip mo na walang nanliligaw sa akin kaya NBSB ako noh.
Siguro iniisip mo na wala man lang magkamali sa beauty ko.
Huwag ka namang ngingiti-ngiti dyan oh.
Hiyang-hiya natuloy ako sayo...haaayyy, bakit ko pa kasi inamin sayo. Kung bakit pa naman kasi hindi nalang gawing baliktad ang takbo ng mundo. Yun bang kaming mga babae nalang ang kukuha ng cellphone number ng mga lalaki, aakyat ng ligaw, at manghaharana. at sa side naman ng mga lalaki sila yung magpapapansin at magpapakipot effect. Pwede naman yun eh, kaso ayaw ko noh. Isa akong Maria Clarang babae. Tsaka paano nalang yung pagiging isang disente kong babae at aking pinakaingat-ingatang Pride diba! AAminin ko rin naman sayo na papansin rin ako minsan, paano manhid minsan ang mga lalaki. Mahirap kaya yung dinadaanan ka lang, No pansin at all samantalang yung puso mo gustong isigaw na crush mo siya ngunit hanggang nakaw tingin ka lang.Palibhasa di niya kasi ako kilala eh. Sana isa ka sa mga katulad ko para magkaramay tayo at nang sa ganun makarelate ka sa buhay pag-ibig ko. Huwag mo naman akong pagtawan , totoo naman kasi. Di tulad naman ng iba they are pretending na tumatanggap sila ng imported chocolates and scented flowers but honestly sila pala ang bumibili nun for their self just to make other people impress. Diba mas nakakahiya yun.

Kabog, Kabog, Kabog...Bigla akong natakot habang nilalakbay ko ang mundo ng pag-aasawa. Nasambit ko sa aking bibig at natanong sa aking sarili , paano kung mapag-iwanan na ako ng panahon at tuluyan ng matanggal sa listahan ang aking edad sa kalendaryo.?
May magkamali pa kaya sa akin kung sakaling entitled na ako bilang isang "MD"(Doctor of Medicine) este (matandang dalaga pala).. May mga lalaki pa kayang hanap ay isang tulad ko at sabihin ang linyang "age doesn't matter naman because you are my life",..
Posible pa kayang mabiyayaan ako ng labing-dalawang supling kahit umabot na ako sa expiration date...

PAAaaaakkkkkKKKkkk;;;;;;;
Nagulat ako bigla nang masampal ko ang aking pisngi. Isang lamok pala na unti-unting sinisipsip ang aking dugo at siyang nabebenepisyuhan.. Pero maraming salamat kaibigang lamok dahil sayo natauhan at nagising ako sa isang mahabang paglalakbay.. Umiral na naman kasi ang aking "IMAGINATION POWER"..

Ouiy..mag react ka naman,,para na tuloy akong baliw dito at siya kong kinakausap ang aking sarili..Kaylan kaya magpaparamdam ang aking prisepe. Siya na lang kasi ang hinihintay sa aming Palasyo eh..Nakahanda na ang mga mga baboy, kambing, baka na siyang kakatayin sa pagsalubong namin sa kanya.. Ewan ko ba!! Bahala na si Destiny!

1 comment:

  1. go arlyn blessed ka sana heheh magkabf ka na fren hahah godbless po heheh

    ReplyDelete